Powered By Blogger

Monday, April 30, 2012

Lukewarm


Kahapon ay tinalakay ni Pastor "Dingdong" ang tungkol sa pagiging connected kay God. Tinamaan ako doon sa mensahe kasi alam ko sa kaloob-looban ko na isa akong hamak na lukewarm Christian. Though I am not baptized (with the church) I make it a point to attend Sunday service. Buti nga at may weekend off ako rito sa bago kong trabaho kaya nagagawa kong pumunta sa worship.
Going back, lahat ng mga pinunto ni pastor ay swak na swak sa akin. I am Christian in my head but in my heart I am always struggling to fight off temptations like the simple saying of "no" when an old friend asks me out for a couple of beers that would eventually turn out to be a case of beer. Ang hirap kasi sa akin, at aminin niyo na ay sa inyo rin, eh gusto natin "IN" tayo sa grupo. Ayaw natin na napag-iiwanan ng barkada. Ang gusto natin may mai-share man lang sa maboteng usapan ng barkada. Sabi nga ni pastor, iwas KJ o kill joy. Sa kasamaang palad, hindi pala nakakabuti para sa atin ang pagiging "IN" sa barkada lalo na kung ang gawain ay "naturally bad".
Sa ngayon ay nahihirapan pa rin akong alamin ang mga tamang gawin kapag nahaharap sa mala-crossroad na stiwasyon kung saan ay mamimili ako kung sasama ba ako sa kanila at magiging "IN" o hindi nalang at magiging "KJ".
Gusto kong magpakasaya habang singular pa ako kasi panigurado pag umabot ako sa pagiging plural eh bawal na rin maging KJ sa pamilya, at tiyak mas mahirap ang ganun. Hay naku, ipagdasal ko nalang ito at baka malaman ko ang sagot sa isa sa mga panaginip ko.

No comments: