From the concrete jungle of New York (Cubao) to the real jungle of Leyte...
Nobody saw this coming except for myself syempre. I was in Manila enjoying the urban lifestyle (lalo na yung mga mall kasi pwedeng tumambay na parang nasa park lang kaso ang diperensya magbabayad ka ng mas malaki para sa aircon at ilang sulyap sa chix) while taking up my Masters degree in Metallurgical Engineering. I had a good life back in the Metro pero bakit ko nga ba naisipang mag-empake ng mga gamit at mamundok sa liblib na parteng ito ng Pilipinas? Ayun ang critical term doon eh, "good life". Kahit sabihin na nating na-apply ko naman ang pinag-aralan ko ng anim na taon sa UP (naming mahal..) eh dumating ako sa puntong pakiramdam ko ay hindi naman ako talaga kumikita ng pera. By kumikita, i mean, having extra money in my pocket after receiving my salary and deducting all of my expenses. Unfortunately, kahit na relatively competitive sa ibang mga kumpanya sa Maynila yung sahod ko eh kinakapos pa rin ang budget ko. Umabot nga ako sa puntong parang nasa high school nanaman ako dahil nagbabaon ako ulit para makatipid sa mga gastusin. Should I live like this even though I graduated as a freaking engineer and passing the boards too? Ang sagot ko syempre hindi kasi nga napadpad ako rito sa malayong kabundukan ng Leyte.
Pero syempre hindi lang naman ako mukhang pera, este hindi lang naman pera ang dahilan ng paglipat ko ng kumpanya. Andun na rin ang dahilan na hindi na ako masaya sa pamamalakad ng management ng dati kong kumpanya. Ang ganda sana ng balak sa kumpanyang iyon kaso dahil sa ilang mga makikitid na utak talangkang manager eh mapupunta lang sa wala ang lahat. Ika nga nila, isa nanamang malaking DRAWING!
At bilang tumatanda na rin tayo, tinaningan ko ang sarili ko na dapat in 5 years time ay nakapagpundar na ako bahay at lupa, na sa tingin ko ay hindi ko magagawa sa dati kong kumpanya. Kung noon ay wala akong maipon at minsa'y nangungutang pa para lang makapasok sa trabaho, ngayon ay may ipon na ako at may sobra pa. Mas mura ang pagkain, mas malayo sa mga luho, mas simple ang pamumuhay, mas may ipon.
Hindi madali ang humiwalay sa mga kinagisnang bagay pero minsan darating tayo sa puntong kailangan nating mamili para na rin sa ating kinabukasan. (Syet ang seryoso ng mood nitong ending). Bow!
No comments:
Post a Comment