Powered By Blogger

Sunday, December 26, 2010

Level Playing Field




Nakakaburat yung mga pagkakataon na kung saan ay leche ang pagka-imba ng mga bagay-bagay..



Sina LBJ at CB ay sumama sa South Beach diet ng idol kong si Dwyane Wade kaya ayun tatlo silang nagbabwakawan sa bola. Diba imba-lance talaga?! Pero as of late, spoken as an Englishman, eh mukhang nakapag-adjust na ang tiyan ng Miami Heat sa mistulang higanteng pagpapala ni Lord God sa kanila at they are living up to expectations na talaga.

(Ito ang totoong punto ng blog na ito. Pampaganang malupet sana yung umpisa)

Hindi ko talaga ma-gets kung bakit kinakailangan pang maki-extra ng mga prof sa business ng mga mag-aaral. Kesyo ba alumni ka eh pwede mo nang gamitin ang posisyon mo para lang mai-promote ang pinanggalingan mong organisasyon? Huwag ka namang imba ma'am/sir (pronounced as mamster!, rawr!) kasi yung mga mas batang organisasyon ay wala talagang binatbat sa tanda mo! Hands down favorite naman talaga kayo sa patandaan ng mga miyembro dahil nung panahon pa yata kayo ni kopong-kopong binuo na kung saan barbaric pa ang tinatawag na applix. Bukod pa riyan ay literal na matatanda ang mga miyembro ninyo kasi MRR na ang karamihan sa kanila. Diba nga umabot pa sa puntong halos wala ng galing sa kagawaran ng minahan, pagpoproseso ng metal, at materyales ng kolehiyo ng inhinyeriya ang inyong grupo dahil sa puro bagsak at napilitang lumipat doon sa instituto ng library science (so ironic daba? tamad nga mag-aral tapos sa library pa napunta?! astonishing!).

Going back to the point of argument, hindi ka dapat nagpopromote ng org mo, period! Pero dahil nga may sayad kayo sa utak ay namimigay pa kayo ng karagdagang grado sa mga mag-aaral na sasali sa inyong organisasyon. Ano bear?! Can't your current members shoulder the burden of looking for applicants who can and will continue the life of your organization without saying that they have the majority share of the senior faculty from our department?

All i want to see is a level playing field here, NO PLUS 0.25 on them grades, NO UNFAIR TREATMENTS, just a playing field. And this i'm quite sure of, we will certainly almost always kick them asses of yours!

No comments: